Archive

Archive for the ‘CPM’ Category

Aquino Family Thank You Message for Tita Cory Mass

January 24th, 2010 peterahon Comments off

Categories: CPM Tags:

Change Politics Movement Chapters to hold Mass for Tita Cory

January 19th, 2010 peterahon Comments off

CPM-Albay
Mass for Cory at 3pm of Jan. 25 at St. Gregory ther Great Cathedral led by CPM. A motorcade follows with around 30-50 vehicles along Legazpi City and Daraga town main streets with various non-con groups with Yo Noy as point organization. There will be a program later which includes a tribute to cory, blessing of People Power Unity Camp, and launching of the Bantay Balota. A concert follows till midnight with local talents and Jay-R, the RNB talent of channel 7. Small yellow flags for Cory will be placed all around the Cathedral area.

CPM – Davao
CPM – Davao will sponsor the 12:00 noon mass on that day at the Ateneo de Davao University Chapel in honor of Cory. Fr. Albert Alejo will officiate the liturgy.
On January 22, Friday prior to this, CPM members will gather for at least an hour and put yellow ribbons at the Freedom Park which is right in front of Ateneo de Davao Campus. Let’s paint the town… yellow!

CPM -Zamboanga del Norte
We will attend the 5:00 P.M. Mass at the Holy Rosary Cathedral- Dipolog city. members will come in yellow. Yellow ribbons are now tied all over the city by CPM volunteers. the yellow ribbons are supplied by the People Power Volunteer Center (Haydee Ong)- Dipolog Chapter;
CPM volunteers from Sindangan area will also attend the mass at St. Joseph Parish, Sindangan Zambo Norte on Jan. 25. likewise they started tying yellow ribbons from PPVC given to the CPM –ZN

Categories: CPM Tags:

ANG BINAN SA BUHAY NI GAT. JOSE RIZAL

December 31st, 2009 peterahon Comments off

ni Kon. GAT ALATIIT
24 Disyembre 2009, Biñan, Laguna

Tuwing ika-30 ng Disyembre ay ipagdiriwang ang Araw ng Pambansang Bayani. Sa pagdiriwang nito hindi maaaring hindi gunitain at maihiwalay ang bayan ng Binan, Laguna sa buhay ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Batid ng karamihan na sa Binan ang s’ya unang nag-aral subalit lingid sa kanilang kaalaman, sa bayan ng Binan din mismo nagmula ang kanyang mga magulang.
Sa paanyaya ng mga kaibigang Dominicano, nagdesisyon si Dominigo Lamco na lumipat sa bayan ng Binan, Laguna noong Hunyo 1697. S`ya ay nanirahan sa Hacienda de San Isidro Labrador na noon ay inaari ng mga Kastila. Naging bahagi s`ya sa pagpapaunlad ng barrio na sa bandang huli ay tinawag na Tubigan. Si Lamco din ang nagpasimula ng sistema ng pagpapatubig sa buong Hacienda. Mabilis na lumago ang kanyang pamumuhay at kinilala s`ya bilang pinuno ng mga Tsino sa Binyang.
1740, nagpatuloy ang pangangamkam ng mga lupain ng mga Kastila. Minabuti ng Tsino na ilipat ang pamamahala ng mga lupain sa mga Filipino upang makaiwas sa mga mahirap at magastos na usaping legal, subali’t sila ay nagkamali. Nagpatuloy pa rin ang pangangamkam ng mga Kastila.
Nagpakasal si Domingo Lamco kay Inez de la Rosa, anak ni Agustin Chinco na isa ding sangley (Chino). Naging anak nila si Francisco. Dahilan sa kainitan ng sitwasyon sa pagitan ng mga Kastila at Tsino, minabuti ni Domingo na palitan ang kanyang apelyido ng “Mercado” nagangahulugang palengke.
Taong 1771 nang magpakasal si Francisco Mercado kay Bernarda Monica ng Hacienda de San Pedro –Tunasan. Sila ay nagkaanak, sina Juan at Clemente. Sila ay nanirahan nang maikling panahon sa “Hacienda de San Juan Bautista” sa Kalamba. Lalong naging mainit ang sitwasyon ng mga Tsino sa mata ng mga Kastila dahilan sa pagtulong ng mga ito nang lumusob ang mga Briton kaya’t muling bumalik sa Binan ang mga Mercado (dating Lamco) kung saan si Francisco ang may pinakamaraming alagang kalabaw sa Binan.
Dahilan sa pagiging mabuting tao si Francisco Mercado ay nahalal bilang Capitan del Pueblo sa Binan noong 1783. May mga tala sa mga kasulatan ng simbahan na malimit mag-anak sa binyag at sa kasal si Francisco noong mga panahong iyon.
Pumanaw si Francisco Mercado noong 1801. Katulad ng kanyang ama, si Juan Mercado ay naging capitan del pueblo din sa Binan noong 1808, 1813, at 1823. “Capitan Juan” ang tawag sa kanya ng kanyang mga kababayan.
Si Juan Mercado ay nahalal bilang kinatawan ng Pilipinas sa Parliamento ng Espana noong 1812. Si Juan Mercado ay nagpakasal kay Cirila Alejandra, anak ng inaananak ni Domingo (Lamco) Mercado na taga barangay Tubigan. Sila ay may 13 anak at nanirahan sa malaking bahay na bato na ipinagawa ni Juan ( anak ni Francisco Mercado) sa gitna ng bayan ng Binan. Isa si Francisco Engracio sa mga ito na ipinanganak noong Abril 18,1818.

1826 nang pumanaw si Juan Mercado, 8 taon pa lamang si Francisco Engracio. Bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador Claveria na nag-atas sa mga Pilipino na magdagdag ng apelyidong Kastila ang mga Pilipino, di umano’y upang maging madali para sa mga ito ang pagsasaayos ng kanilang mga documento. Kaya’t noong ding taong iyon, 1849 ay nagdagdag sila ng apelyidong “Rizal’ na nagangahulugang ‘damuhan”.

Ika- 19 ng Hunyo 1861 ipinanganak sa mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado ng Binan, Laguna at Teodora Quintos Alonzo ( anak nina Brigida de Quintos ng Pangasinan at Lorenzo Alberto Alonzo na nagdagdag din ng apelyidong Reolanda ng Binan, Laguna) ang ika-7 anak at s`ya ay pinangalanang Jose Rizal.
Sa kabila ng maraming pangalang minana ni Rizal sa kanyang mga magulang marami ang nagtataka kung saan kinuha ang “P” sa Jose P. Rizal. Ang “P” ay nangangahulugang Protasio na kasama sa kanyang pangalang Jose Protasio. Ang Protasio ay bahagi ng panglan ni Rizal na Jose Protasio. Ang ikalawang pangalang ito ay buhat sa pangalan ng Santong si St. Protase ng Italya ng naging santo noong June 19 (ang petsa ng kapanganakan ng pambansang bayani).
Walong (8) taong gulang pa lamang si Jose Rizal noong Hunyo 1869 ng s`ya ay ipadala sa bayan ng Binan upang mag-aral sa pamamahala ni Maestro Justiniano Cruz. Si Jose ay nanirahan sa bahay ng kanyang tiyahin sa gitna ng bayan ng Binan mga 400 metro ang layo sa bahay ni Maestro Cruz kung san siya nag-aral.
Makalipas ang isang taon at kalahati, pinayuhan ni Maestro Justiniano Aquino Cruz si Jose Rizal na magpatuloy ng mataas na pag-aaral sa Maynila.
Malawak ang kaalaman ni Jose Rizal sa bayan ng Binan. Katunayan, sa isang liham ni Jose Rizal kay sa kaibigan n`yang si Ferdinand Blumentrit noong ika-10 ng Hunyo 1887 noong s`ya ay nasa Geneva, Switzerland, sinabi nya na:

“ I have seen the proofs and it seems to me they have turned out well. Neither do I forget you. I earnestly beg you to send me your photograph each time you have one taken so that I can contemplate the image of my friend. I am reading with increasing amazement the last pamphlet you have kindly sent me. Your knowledge of my country and your critical observations surpass everything I have seen or read until this date. You speak of things as if you have seen them personally; e.g., your account of the town of Biñang (=Biñan, Laguna) where I lived for a year and a half and which is not far from my home town. In Biñang Spanish is not spoken, as the anonymous author says, but a bad Tagalog mixed with many Chinese words, a large part of its inhabitants being Chinese mestizos, and hence its people’s industry, avarice and fair skin.”

Hindi madaling limutin ang panahon ng kabataan ni Dr. Rizal sa Binan sapagkat marami syang naging karanasan dito kasama na ang pakikisalamuha nya sa mga kabataang taga Binan kung saan maraming pagsubok ang kanyang pinagdaanan.

Matapos ang pag-aaral niya sa Binan, iminungkahi ni Maestro Cruz na ipadala na sa Maynila ang batang Jose Protasio Mercado. Subali’t minabuti niyang gamitin ang apelyidong “Rizal” sapagkat ayaw s`yang tanggapin sa paaralan dahilan sa pagkakakilala kay Paciano “Mercado” bilang aktibista. Doon s`ya nagpakadalubhasa sa iba’t-ibang larangan. Hindi nakuntento ang pamilya Mercado kaya’t ipinadala pa si Jose Protasio sa Europa upang magpakadalubhasa.

Malaki ang naitulong ng mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na sinulat ni Dr.Rizal sa adhikain ng kanyang kapatid na si Paciano sa layuning matamo ng bansa ang minimithing kalayaan at makaalis sa kuko ng mga mapagmalabis na mga Kastila.

Ang mga panulat na ito din ang naging dahilan upang itapon si Rizal sa Dapitan hanggang sa s`ya ay bitayin sa pamamaitan ng pagbaril sa Bagumbayan (Luneta) noong Disyembre 30, 1896. Mahihinuha mo ang lakas ng dating ng mga panulat ni Rizal batay sa ulat na ipinadala ni Fr. Del Manzano, Superior Provincial ng mga Dominicano sa Overseas Ministers ng Pamahalaang Espana tungkol sa mga usapin sa lupa ng Kaparian noong ika-4 ng Agosto 1897.

“The supposed abuses and extortions against tenant farmers being spread about us come from the same source. From Rizal in his Noli Me Tangere and his Filibusterismo to what garrulous reporters write, these are openly lacking in truth or they are victims of the same stupid ignorance. The administration of our plantations cannot be more benign and patriarchal. The properties and lands pass from father to son, from generation to generation, in practice as though they were the true owners and without the dangers or losses experienced by native landowners who, because of gambling, quarrels and other mundane reasons, pawn their properties in the end of losing them. . .

Examples of these are the towns of Sta. Rosa, and Binan in Laguna, as well as Calamba itself, before Rizal preached his socialist theories sui generis to his compatriots. . . All those exaggerated increases in the canon and the violence so empathically underlined by the rebels are pure fiction. Ask the old tenant framers. Check our tariffs. Investigate the census of the plantation masters. We have yet to resort to the first eviction in our inherited lands in Lolomboy, Pandi, Sta. Cruz, naic, Sta. Rosa and Binan. . .”

Ang bisa ng panulat ni Dr. Jose Rizal ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga Filipino upang bumangon at lumaban sa pang aabuso ng mga Kastila nang mga panahong iyon.

Dahilan sa mga katunayang ito, dapat lang na magbunyi ang mga taga- Binan sa pagkakaroon ng isang anak na kinilalang Pambansang Bayani. . .

Sa pagsasaliksik ni Kon. GAT ALATIIT
24 Disyembre 2009, Biñan, Laguna

Categories: CPM Tags:

Maligayang Pasko po – Noynoy Aquino

December 25th, 2009 peterahon Comments off

Sa ating paggunita sa kaarawan ni Hesu Kristo na ipinanganak sa gitna ng matinding hirap, atin ding isapuso ang mensahe ng Kanyang kapanganakan.

Dumaan tayo sa matinding sigalot sa taong ito: ang pagsalanta ng mga bagyo, ang pagpatay sa mga inosenteng sibilyan, ang pagkawala ng moral bilang mamamayan dahil sa tiwaling pamamahala.

Sa kabila nito, tuloy pa rin tayong umaasa, tulad ng pag-asa natin sa pangako ng Panginoon. Bilang mamamayan, nasa ating kamay ang pagbangon ng ating bayan.

Isabuhay natin ang pinakadakilang utos ng Diyos: “Mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal Ko sa inyo.”

Ang pagmamahal nang walang kapalit tulad ng sa Panginoon ang magsisilbing gabay upang malampasan natin ang ating mga pagsubok.

Salamat po sa inyong patuloy na pagtataguyod at pagmamahal. Kayo po ang lakas namin.

Maligayang Pasko po at mapayapang bagong taon sa inyong lahat.

Sumasainyo,

Noynoy Aquino

Categories: CPM Tags:

December 15th, 2009 peterahon Comments off

header

Dear Noy Supporter,

As you might have noticed, both Gibo and Villar are investing heavily on online advertising to boost their FB presence. Gibo is even claiming to be leader in the Internet community based on a poll in an obscure FB fan page (with about 1,200 fans) where he purportedly won twice by as much as 58% of the votes, and projecting this to conventional media as the overall sentiment on the Internet in general, and on FB, in particular. We all know it’s a farce.

While we have plans to advertise, we want to reserve this at a time when the campaign heats up, given the limited funding that we have.

True, we don’t have as much money as the other candidates. But there is one thing that we have which they don’t have – YOU. Yes, we have volunteers, like you, who are passionate for change and who see in Noynoy Aquino the hope we have all been longing for. And if we can pool our network of friends together, we will have more impact than their expensive ad campaigns will ever have.

So here’s the deal. LET’S PAINT FB YELLOW THIS CHRISTMAS. Let’s target to increase our subscribed fans to 201000 at the start of 2010. Right now, there are over 116,000 fans. So, if we only bring in one new fan each, then we should easily surpass that target. If we can make this happen, this would be the perfect Christmas gift to Noynoy.

Here’s what you need to do:

1. Suggest the Noynoy’s official FB page to friends (there’s a clickable text at the fan page that lets you easily do this)

2. Post on your status update “We want to Paint FB Yellow as our Christmas gift to Noynoy. Please sign up as a fan on Facebook

3. Send a personalized message to people in your mailbox asking them the same. You can even forward this mail, if you want to.

5 to 10 minutes of your time can be the start of a Yellow Christmas for all of us. Let’s show Gibo and Villar the power of yellow.

Merry Yellow Christmas to all of you.

God bless,

Enteng Romano III
New Media Bureau – Noynoy Aquino Campaign

Categories: CPM Tags: